Acosta, K. A., Kho, M. G., & Rosales, M. S. (2004). Jologs Perception Scale. Psychological Measurement Laboratory 1. De La Salle University.
[Appendix A: Questionnaire]
Edad:
Kasarian:
Sa mga sumusunod na bilang, bilugan ang inyong sagot na naayon sa inyong pananaw tungkol sa pagkajologs ng lalaki. Ang iskala ay makakatulong sa inyong pagtugon ng mas naangkop na kasagutan.
LS – Lubos na Sumasang-ayon
S – Sumasang-ayon
N – Neutral
DS – Di - Sumasang-ayon
LD – Lubos na Di – Sumasang-ayon
A. Panlabas na anyo
Ang lalaki ay jologs kapag…
LS S N DS LD 1. May buhok na sobrang makintab at matigas dahil sa hair gel.
LS S N DS LD 2. Naka-hair dye o naka-highlights ang buhok
LS S N DS LD 3. May istik ng sigarilyo sa ibabaw ng tenga.
LS S N DS LD 4. Maraming piercings sa katawan.
LS S N DS LD 5. Maraming burloloy o “accessories” sa katawan tulad ng kwintas at sing-sing.
LS S N DS LD 6. May nakakabit na tanikala o chain sa bulsa.
LS S N DS LD 7. Maraming tattoo sa katawan.
LS S N DS LD 8. Nakamaong na pants na butas – butas.
LS S N DS LD 9. Nakafitted na shirt kahit na sobrang payat.
LS S N DS LD 10. Hip-hop ang porma na tipong kita na ang underwear.
LS S N DS LD 11. Nagsusuot ng malalaking pants tulad ng elephant pants.
LS S N DS LD 12. Nakasando lang kapag lumalabas ng bahay.
LS S N DS LD 13. Nagsusuot ng malalaki o barkong sapatos.
LS S N DS LD 14. Pumoporma ng wala sa panahon tulad ng pagsusuot ng shades kahit malilim.
LS S N DS LD 15. Naka-porontong o “baggy shorts”.
LS S N DS LD 16. Nagsusuot ng mga t-shirt na matitingkad ang kulay tulad ng neon.
LS S N DS LD 17. Dinesenyo ang buhok sa pamamagitan ng pag-aahit nito.
LS S N DS LD 18. May nakapalupot na bimpo sa leeg.
LS S N DS LD 19. Nagsusuot ng mga t-shirts na sadyang ginupit.
LS S N DS LD 20. Naglalagay ng barya sa loob ng tenga.
B. Pag-uugali
Ang lalaki ay jologs kapag…
LS S N DS LD 1. Ngumingiti na parang manyakis sa mga babaeng hindi naman nila kilala.
LS S N DS LD 2. Nanghihipo ng pasimple sa mga babaeng hindi nila kilala.
LS S N DS LD 3. Sinisipulan ang mga babaeng dumadaan.
LS S N DS LD 4. Kumikindat sa mga babaeng hindi nila kilala.
LS S N DS LD 5. Pilit na nakikipagkilala sa mga babae sa mga hindi naaayon na lugar.
LS S N DS LD 6. Papansin at matagal tumitig sa mga babaeng hindi nila kilala.
LS S N DS LD 7. Siga kung kumilos at magsalita sa harap ng maraming tao.
LS S N DS LD 8. Sunod ng sunod sa mga babaeng hindi nila kilala kahit ayaw naman ng mga babae
LS S N DS LD 9. Bastos kung magsalita sa mga pampublikong lugar
LS S N DS LD 10. Umiihi kahit saan kahit alam namang bawal.
LS S N DS LD 11. Dumudura sa kung saang – saang lugar tulad ng kalye.
LS S N DS LD 12. Idinidikit ang bubble gum sa dingding o ilalim ng mesa.
LS S N DS LD 13. Isinusulat ang kanyang numero ng telepono sa likod ng upuan ng bus.
LS S N DS LD 14. Nagsusulat sa pader.
LS S N DS LD 15. Nagkokomento ng malakas sa sinehan.
LS S N DS LD 16. Nagkakamot ng mga bahaging hindi dapat kamutin sa pampublikong lugar.
LS S N DS LD 17. Sumisinga ng malakas sa pampublikong lugar.
LS S N DS LD 18. Nagtatanggal ng dumi sa ilong sa harap ng publiko.
LS S N DS LD 19. Nagtatanggal ng pang-taas na saplot sa pampublikong lugar.
LS S N DS LD 20. Bahagyang nagtatanggal ng sapatos sa pampublikong lugar.
0 comments:
Post a Comment