For a good few minutes, all darkness surrendered to the poignant words of Rico Abelardo. And I too, surrender myself to the preeminence of what he so effortlessly expressed.
Needless to say, this moved me almost to tears. So let me share to you tonight the following poem.
Mangyari Lamang
Rico Abelardo
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
Sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi
Ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin
Na pilit ikukubli ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
Nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.
At sa mga nanatiling nakaupo,
Mangyari lamang ay dahan-dahang umalis papalabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang
Na nagpalaki ng isang halimaw!
At sa lahat ng naiwang nakatayo,
Mangyari lamang ay hagkan ang isa't isa at yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal.
*****
Friday, October 19, 2007
Posted by :
G
at
4:28 PM
Categories:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment